Lunti

At nandito ka na naman Sa pagitan ng mata ng pagibig at kasalanan Na hindi ko mahindian Kumakalam ang isipang hindi ka na maiwasan

Di maintindihan ba't di ka maintindihan Ligayang inaasam, sa'yo lamang naramdaman Ikaw lang ang nasasandalan Sa hangganan ng katinuan Ikaw lang ang katotohanan Sa lahat ng kasinungalingan sa mundo...

Sino nga ba ang may alam? Baka nagkakamali lang Di ko alam Dapat bang husgahan ang pakiramdam?

Di maintindihan ba't di ka maintindihan Ligayang inaasam, sa'yo lamang naramdaman Ikaw lang ang nasasandalan Sa hangganan ng katinuan Ikaw lang ang katotohanan Sa lahat ng kasinungalingan Ikaw lang ang nakakanlungan Sa digma ng mga kahulugan Ikaw lang ang katotohanang Di mapapantayan ng sino pa man sa mundo...

Di maintindihan ba't di ka maintindihan Ligayang inaasam, sa'yo lamang naramdaman Di maintindihan ba't di ka maintindihan Ligayang inaasam, sa'yo lamang naramdaman